28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Grupong inuugnay sa ‘Red October’ dumulog sa CHR

- Advertisement -

Dumulog sa Commission on Human Rights (CHR) ang iba’t ibang grupo na iniuugnay umano sa “Red October” para isumbong ang anila’y nararanasang harassment.

Ito’y matapos isiwalat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may nilulutong ouster plot ang mga grupo ng komunista.

Ayon sa grupo nakakaranas sila ng mga banta at paninira sa pamamagitan tarp at graffiti na nag-uugnay sa kanila sa mga komunista.

Naniniwala naman si Renato Reyes, secretary-general ng grupong Bayan, tila diktatura na ang umiiral kung gagawing krimen ang lahat ng uri ng pagtutol sa pamahalaan.

Tiniyak naman ng CHR na sila ay magbabantay upang masigurong walang malalabag na kahit kaninong karapatang pantao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -