Monday, May 6, 2024

Grupong Bayan nagsumite na ng petisyon laban sa Manila Water

- Advertisement -

Nagsumite na ng petisyon ang grupong Bayan at ilang mga konsyumer sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS na nananawagang pagmultahin ang Manila Water company.

Ito’y makaraang magdulot ng malaking abala sa mga customer ang naranasang water interruption sa naturang water concessionaire.

Nakasaad sa petisyon ang panawagan ng mga konsyumer ng Manila Water, Bayan Muna Representative Carlos Zarate at Bagong Alyansang Makabayan Secretary-General Renato Reyes Jr na magpatupad ng rebate o diskuwento sa mga customer nito.

Ito’y upang maibsan ang nagastos sa biglaang pagbili ng mga konsyumer ng water drum at timba para makapag-imbak ng tubig dala ng water supply interruptions.

Ipinasusupinde rin ng mga petitioners ang anumang taas-presyo sa singil ng tubig na nakatakdang ipatupad ng Manila Water.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img