Greg Slaughter pahinga muna sa basketball

0
40

Magpapahinga muna sa basketball si Barangay Ginebra center Greg Slaughter makaraang ang anim na taon sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ang pahayag ay ginawa ni Slaughter matapos mapaso ang kanyang kontrata sa Gin Kings.

Ayon kay Slaughter, hindi pa niya alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanya sa hinaharap pero tiyak ay may nakalaan aniyang mas maganda para sa kanya.

Nagpasalamat naman si Slaughter sa management ng Ginebra, kay Coach Tim Cone at sa kanyang teammates.

Samantala, hinihinalang ite-trade si Slaughter ng Gin Kings sa ibang koponan kaya inunahan na niya ito.