Granada, Sumabog Sa Tapat Ng Bahay Ng Isang Empleyado Ng Ministry Of Public Works Maguindanao Sa San Pablo Village Rosary Heights 11 Cotabato City

0
34

Pinasabugan ng granada ang tapat ng bahay ng isang empleyado ng Ministry of Public Works Maguindanao 1st Engineering District na matatagpuan sa San Pablo Village Barangay Rosary Heights 11 Cotabato City pasado alas sais Lunes ng gabi, October 26.

Sa report mula kay PNP Station 2 Commander, Rustom Pastolero.

Sumabog ang granada sa bahagi ng kanal sa tapat ng bahay na pag aari ni Engr. Sukarno Sulaik, 58 years old na isang empleyado ng Ministry of Public Works Maguindanao 1st Engineering District.

Narekober malapit sa pinangyarihan ng pagsabog ang safety lever ng granada.

Nasa loob ng kanyang bahay si Engr. Sukarno Sulaik nang maganap ang pagsabog ng granada pero mabuti na lamang at walang tinamaan sa miyembro ng kanyang pamilya.

Lumalabas sa imbestigasyon sa mayroong namataan na dalawang lalaki sa labas ng bahay ni Sulaik bago ang pagpapasabog ng Granada.

Inaalam na ngayon ang pagkakakilanlan sa suspek at motibo ng pagsabog.

 

(Source: PNP Cotabato City)

Leave a Reply