Graduation ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Baguio City

0
8
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – 134 4Ps na sambahayan sa iba’t ibang barangay ng lungsod ng Baguio ang umakyat na mula sa pagkamahirap. Ito ang inihayag ng Department of Social Welfare and Development Office-CAR, sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ang katuwang nito ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng baguio sa tulong ng City Social Welfare and Development Office.

Ang 4Ps “Pugay Tagumpay” graduation ceremony ng mga 134 4Ps na sambahayan ay ginanap sa gusali ng CDRRMO nung Septiyembre 20, 2024.

Ang seremonya ay bilang pagkilala sa mga pamilya ng 4Ps na umangat na sa Level 3 o maari na silang tumayo sa kanilang sariling paa matapos mapag alaman 4Ps program’s Social Welfare and Development Indication (SWDI) evaluation instrument. Ang mga benepisaryo ay tumanggap ng sertipiko ng pagkilala at ang kanilang mga dokumento ay ibinigay na sa lokal na pamahalaan upang makakuha sila ng iba’t ibang programa ng gobierno.

Kung inyong matatandaan na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ay inilunsad noong 2008 at naging institushyonal ito noong taong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Act, na isang pambansang pag angat mula sa kahirapan na programa na naglalayong magbigay ng conditional cash transfer sa mga mahihirap na sambayanan sa loob ng pitong taon upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon at edukasyon. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply