Grabfood balik-24/7 na ang kanilang operasyon simula bukas

0
16

Beinte kwatro (24)  oras na muli ang operasyon ng Grabfood.

Ito ang inanunsyo ng ride hailing company na Grab kung saan magsisimula ang kanilang 24 hour operations sa Metro Manila Miyerkules, September 16.

Kasabay nito, tiniyak ng pamunuan ng Grabfood na susundin nila ang mga health protocols at curfew policies ng mga lokal na pamahalaan.

Siniguro rin ng mga ito na hindi sila magd-edeliver ng mga nakalalasing na inumin tuwing curfew hours.