Gov’t union ikinadismaya ang ‘di pagtupad sa panawagang nat’l minimum wage sa mga gov’t employees

0
16

Ikinadismaya at tila isang insulto para sa isang government workers’ union ang hindi pagtupad sa kanilang panawagan na gawing P16,000 na national minimum wage sa mga kawani ng gobyerno gaya ng mga guro.

Ito ay matapos na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 standardization law.

Ayon sa presidente ng grupong Confederation for Unity, Recognition and Advancement for Government Employees (COURAGE) na si Santiago Dasmariñas Jr., nakalulungkot na ang inaprubahang 2019 salary standardization law ay mas mababa kumpara sa nagdaang administrasyon.

Nadidismaya kami kasi malayo sa ine-expect namin ang dapat na itaas sa sahod ng mga kawani ng gobyerno,” ani Dasmariñas.

Magugunitang una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na ang umento sa sahod ng mga guro ay nakasalalay kung magkano lamang ang pondo ng pamahalaan.

Samantala, nananawagan naman ang naturang grupo na ibigay ang national minimum wage na P16,000 at P750 kada araw para sa mga pribadong sektor.

Nananawagan kami kay Pangulong Duterte na ibigay ang national minimum wage na P16,000 at P750 per day naman sa private sectors,” ani Dasmariñas. —sa panayam ng Ratsada Balita