Gov. Migz Villafuerte Ng Camarines Sur Tuloy Na An Pagtakbo Bilang Congressman, Asawang Si Rachel Peters 7-Buwan Ng Buntis

    0
    252

    Iriga City — Tuloy na ang pagtakbo ni Gov. Migz Villafuerte ng Camarines Sur sa pagiging Congressman sa ika-limang distrito ng Camarines Sur.

    Itoy matapos na paboran ng Commission on Elections ang kanyang petition sa pag-transfer ng kanyang residency at pagigin botante ng Pili patungong Lungsod ng Iriga.

    Ayon sa Gobernador wala ng balakid sa kanyang pagtakbo sa darating na halalan kasabay ng kanyang pasasalamat kay dating Cong. Sal Fortuno at incumbent Congresswoman Jocelyn Fortuno sa pagpaubaya nito sa kanya upang maging standard bearer ng kanilang Partido.

    Ilinatag na rin ng Gobernador ang kayang mga plano sa anim na bayan at isang lungsod na magiging bahagi ng plata porma nito.

    Kasama na dito ang pagpapatayo ng Government-run Hospital sa Lungsod ng Iriga, City Conversion sa bayan ng Nabua, pagiging Educational Center sa bayan ng Baao, Renewable Energy sa bayan ng Buhi, Transportation Hub sa bayan ng Bula at Tourism Destinations sa bayan ng Bato at Balatan.

    Masaya pang ibinalita ng Gobernador na suwerti sila ng kanyang asawang si dating beauty queen Rachel Peters na sa lungsod ng Iriga nabuo matapos na ang mag-asawa magdesisyon na dito na tumira noong isang taon.
    (Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

    Leave a Reply