Gobyerno hindi papayag na ma-bankrupt ang OWWA, PhilHealth —Roque

0
20

Hindi hahayaan ng gobyerno na ma-bankrupt o malugi ang OWWA at maging ang PhilHealth sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque lalo nat pabor ang mga senador na bigyan ng P5-B supplemental budget ang OWWA.

Una nang ibinunyag ni OWWA Administrator Hans Cacdac na maaaring masimot na ang pondo ng ahensya sa 2021 kapag nagtuluy tuloy ang COVID-19 pandemic dahil malaking pondo ang napupunta sa mga OFW na apektado ng pandemya.