32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

‘Go-Duterte Go’ Caravan Sa Sorsogon, Muling Umarangkada Bilang ‘Prelude’ Sa Pagtanggap Ni Go Bilang Standard Bearer Ng PDP-Laban

- Advertisement -

Dalawang araw na umarangakada ang ‘Go-Duterte Go’ caravan sa Sorsogon upang palakasin ang boses ng mga panawagan at pagkumbinsi kay Senador Bong Go sa pagtakbo bilang presidente sa susunod na halalan.

Sa ekslusibong panayam ng Regional Chairman ng Partido Pederal ng Maharlika (PPM) na si Atty Redentor G. Guyala, sinabi nito na lubos ang suporta nila sa senador bilang susunod na Pangulo dahil malapit ito kay Pang. Duterte at magkasundo sila sa halos lahat ng bagay, maliban pa umano sa dati na silang magkasama ng halos napakatagal na panahon.

Ang nationwide ‘Go-Duterte Go’ caravan ay nagsimula noong Sabado at Linggo, kung saan nilahukan ito ng 12 SUVs at pick-up, 5 tricycle at 25 motorsiklo.

Nagsimula ang caravan sa bayan ng Bulan at dinaanan nito ang mga bayan ng Irosin, Gubat, Pto Diaz, Casiguran, Juban, Sorsogon City at Bacon District.

Nauna nang lumabas sa Pulse Asia survey kung saan mas gusto ng mga Pinoy ang tambalan ni Go at ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang president at vice-president ng bansa para sa 2022.

Komento naman ni Go, ang naturang latest survey ay pinapakita lamang umano na satisfied ang tao sa kasalukuyang administrasyon at nais nilang ipagpatuloy ito.

Kamakailan ay naglabas ng resolusyon ang PDP Laban kung saan hinikayat nila si Duterte na ikonsidera bilang Vice President sa 2022.

Kung tutuloy si Duterte sa pagtakbo bilang vice president, sinabi ni Go na maari niyang irekonsidera ang pagtakbo sa 2022.

Inaasahan na kung matutuloy bukas, Setyembre 8 ay gaganapin ang PDP-Laban National Assembly.

Dito na pormal na hihirangin si Sen. Go bilang standard bearer ng nasabing partido

(Source: Bicol News | Brigada News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -