28.1 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Gloria Macapagal-Arroyo nanumpa na bilang bagong house speaker

- Advertisement -

Nanumpa bilang bagong speaker ng mababang kapulungan ng kongreso si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Nangyari ito ilang minuto bago ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinalitan ni Arroyo si House Speaker Pantaleon Alvarez na namuno sa kamara sa loob ng dalawang taon.

Nanumpa si Arroyo kay Kabuhayan Party-list Representative Dennis Laogan, na siyang pinakabatang miyembro ng Kamara.

Ayon kay ACTS-OFW Rep. John Bertiz nasa 184 na kongresista ang bumoto para patalsikin si Alvarez.

Gayunman, si Alvarez pa rin ang umupo bilang house speaker sa SONA ng pangulo.

Samantala, nabatid na bago ang kanyang SONA, nagkaroon muna ng hiwalay na pakikipag- usap si Pangulong Duterte kay Alvarez at Arroyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -