Globe Telecom may pa-libreng Wi-Fi sa mga frontliners sa World Trade Center

0
29

Magbibigay ng libreng Wi-Fi connection ang Globe Telecom Incorporated sa World Trade Center sa Pasay.

Sa pahayag ng Globe, layon ng proyekto na makatulong sa mga frontliners tulad ng mga doktor, nurse at iba pang health care workers para magamit ng mga ito sa pagkalap ng impormasyon patungkol sa maayos na paglaban sa virus.

Magugunitang isa ang World Trade Center sa mga itinalagang quarantine facility ng pamahalaan para sa mga suspected coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.