Global death toll ng COVID-19 pumalo na sa mahigit 140-K

0
21

Pumalo na sa mahigit 141,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ito ay matapos umakyat naman sa mahigit 2.1-million ang kabuuang bilang ng mga infected o nahawaan ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pinakamarami ang nasawi sa Estados Unidos na umabot sa mahigit 31,000 katao.

Sinundan ito ng Italy, ang bansang pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 sa Europa na umakyat na sa 22,000 ang namatay dahil sa COVID-19.

Mayroon namang kabuuang 19,130 ang nasawi dahil sa COVID-19 sa Spain, halos 18,000 sa France at mahigit 13,000 sa Great Britain.