Global cases ng COVID-19 pumalo na sa mahigit 5-M

Global cases ng COVID-19 pumalo na sa mahigit 5-M

by Powered by DWIZ
24 views

Umakyat na sa mahigit 5-M ang bilang ng mga infected ng coronavirus disease  (COVID-19) sa buong mundo.

Sa nasabing bilang nasa mahigit 2.7-M o 98%  ang nasa mild condition ..at halos 46,000 naman o 2% ang nasa serious o critical condition.

Nangunguna pa rin ang Amerika sa mga bansang nakapagtala ng mataas na bilang ng mga nag positibo sa COVID-19 na nasa mahigit 1.6-M at nasa mahigit 96,000 naman ang death toll.

Ikalawa sa nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 ang Russia na sinusundan ng Brazil, Spain at United Kingdom.

Sa kabuuan nasa mahigit 334,000  ang nasawi sa virus at nasa mahigit 2-M naman ang naka-recover.

0 comment

Related Posts