Operasyong ng DFA suspendido sa Lunes upang bigyang daan ang Eid’l Fitr

Operasyong ng DFA suspendido sa Lunes upang bigyang daan ang Eid’l Fitr

by Powered by DWIZ
23 views

Sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng lahat ng mga consulate office nito sa darating na Lunes, ika-25 ng Mayo.

Ito’y matapos na ideklara ng Palasyo na regular holiday ang nasabing araw, bilang pakikiisa sa mga kapatid nating Muslim na ginugunita ang Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.

Kasunod nito, ayon sa DFA, magbabalik sa regular na operasyon ang kanilang mga konsulada at sa Martes, ika-26 ng Mayo.

Samantala, ayon din sa ahensya, sa mga may confirmed appointments sa mga tanggapan nito, sa susunod na mga araw na, matapos ang holiday i-a-accommodate ang kanilang mga idudulog.

0 comment

Related Posts