DFA sinuspindi ang operasyon ng lahat ng mga consulate office nito sa Mayo 25

DFA sinuspindi ang operasyon ng lahat ng mga consulate office nito sa Mayo 25

by Powered by DWIZ
24 views

Sinuspindi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng lahat ng mga consulate office nito sa darating na Lunes, Mayo 25.

Ito’y matapos na ideklara ng palasyo na regular holiday ang nasabing araw,  bilang pakikiisa sa mga kapatid nating muslim na ginugunita ang Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.

Kasunod nito, ayon sa DFA, magbabalik sa regular na operasyon ang kanilang mga konsulada at sa Martes, Mayo 26.

Samantala, ayon din sa ahensya, sa mga may confirmed appointments sa mga tanggapan nito, sa susunod na mga araw na, matapos ang holiday i-a-accommodate ang kanilang mga idudulog.

0 comment

Related Posts