Giyera kontra Hazing dineklara ni Brawner

0
27

Nagdeklara ng giyera kontra hazing ang bagong talagang PMA Commandant na si Brigadier General Romeo Brawner.

Ito ayon kay Brawner ay para mapuksa ang karahasan at pag maltrato sa Philippine Military Academy (PMA) matapos masawi si Cadet 4TH Class Darwin Dormitorio.

Sinabihan ni Brawner ang mga kadete na umalis na lamang sa PMA kung hindi nila lalabanan ang hazing.

Gayunman, inihayag ni Brawner na kailangan ng PMA ng mga reporma.

Bagamat kailangan ang national approach sa pagsawata ng hazing, binigyang diin ni Brawner na naka focus siya sa pagresolba sa mga problemang kaya niyang matugunan bilang opisyal ng PMA.

Si Brawner ay itinalaga bilang bagong PMA commandant kapalit nang nagbitiw na si Brigadier General Bartolome Bacarro.