Ginang, sanggol nito ligtas matapos mapaanak sa NAIA

0
7

Ligtas ang kondisyon ng 37-anyos na ginang at sanggol nito matapos mapaanak sa NAIA Terminal 2.

Nakasalang sa one-stop-shop sa NAIA ang nasabing ginang na galing ng Riyadh, Saudi Arabia nang pumutok ang panubigan nito kaya’t mabilis na rumesponde ang frontliners mula sa Philippine Coast Guard sa NAIA.

Isinailalim din kaagad sa check up ni Dr. Rowena Bernal ng NAIA medical service ang ginang bago ito isinakay sa ambulansya patungong Pasay City General Hospital.