Gilas Pilipinas agad na nagpamalas ng husay sa tune up game para sa 2019 Fiba Basketball World Cup

0
61

Agad na nagpamalas ng husay ang Gilas Pilipinas sa tune-up game para sa 2019 Fiba Basketball World Cup na ginanap sa Meralco Gym kagabi.

Ito’y matapos talunin ng koponan ang Adelaide 36ers sa iskor na 92-83.

Gumawa ang Gilas ng 13-2 run kabilang ang dunk ni Japeth Aguilar habang papatapos ang laban.

Bumida naman ang pinakawalang 19 points, 18 rebounds at 9 assists ng naturalized Filipino player na si Andray Blatche.

Hindi rin nagpahuli si Aguilar na nagdagdag ng labing 17 points, 4 rebounds at 3 blocks.

Aabangan naman ang muling paglalaro sa isa pang tune-up game sa Linggo ni Kiefer Ravena matapos itong ma-ban sa Fiba.