32.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

GenSan’s Trikes, PUVs, Gagamitin Sa Covid-19 Awareness Drive

- Advertisement -

General Santos City – Nakipag-ugnayan na ang Philippine Medical Association (PMA)  sa iba’t ibang transport groups sa lungsod, kaugnay sa mas pinalawak na information campaign, hinggil sa patuloy na banta ng Covid-19 pandemic.

September 25, inilunsad ng PMA-GenSan City chapter ang isang awareness project,  kung saan, hinihimok ang nasa public transport sector na tumulong sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon kaugnay sa Covid-19 at kung paano makaka-iwas ang publiko.

“Ito po ay proyekto ng PMA-GenSan at ang objective po nito is to create awareness with the participation of our community-based, mga tricycle drivers po, na  atin pong katulong sa pagpapahiwatig ng tamang impormasyon,” ang pahayag ni PMA chapter president, Dr. Butch Peñamante sa isang panayam.

Kabilang sa naturang proyekto ang pagsasagawa ng “stickering” at “postering” sa mga tricycles at public utility vehicles na magsilbing paalala sa riding public sa kahalagahan ng mga non-pharmaceutical interventions, kagaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

“Nagpagawa po kami ng tarpaulin at yoon po ay pinapakabit namin sa kanilang tricycle, para ang kanilang mga pasahero na mabasa at mapapa-alalahanan.”

Base sa latest tracker bulletin ng Department of Health, umakyat na sa 12,456 ang citywide Covid-19 cases, matapos maitala ang 63 na bagong pasyente.

Sa kabuuang bilang, 1,031 sa mga ito ang active cases.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -