Malakanyang tiniyak na pananagutin ang mga may kinalaman sa anomalya sa DOT

0
54

Tiniyak ng Malakanyang na pananagutin ang lahat ng may kinalaman sa anomalya hinggil sa 60 milyong pisong advertisement deal ng Department of Tourism na pumasok sa programa ng broadcaster na si Ben Tulfo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte na aniya ang nagpahayag na dapat umusad ang legal na proseso sa usapin para mapanagot hindi lamang si Tulfo kundi lahat aniya ng nakinabang dito.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na wala na silang magagawa kung hindi na ibalik na kanyang ikinalulungkot ang naging pahayag ni Ben Tulfo na hindi na nito ibabalik pa ang 60 milyong pisong ibinayad ng DOT.

Bagama’t wala na aniya silang magagawa rito, tiniyak ni Roque na hindi pa ligtas sa asunto si Tulfo.

Magugunitang, kinuwestiyon ng Commission on Audit ang 60 million pesos advertisement contract ng DOT sa ilalim ng pamumuno ni Teo at ng PTV na pumasok naman sa programa ng kapatid nito.