Tinanghal na Highly Urbanized City ang lungsod ng Heneral Santos matapos magwagi sa Gawad Kalasag Annual Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance Regional Awards 2018 na isinagawa sa isang hotel sa lungsod kahapon August 7, 2018.
Tampok nasabing sa parangal ang ibat-ibang ahensya at sector ng gobyerno na dumalo sa araw ng parangal na pinangunahan ng Regional Risk Reduction and Disaster Management XII at Office of Civil Defense kasama ang director na si Dir. Minda Morante Regional Director, Office of Civil Defense XII Chair, RDRRMC XII, Dir. Reynaldo Bungubung CESO IV ng DILG XII vice chair, Disaster Preparedness at mga local government unit sa rehiyon.
Narito ang buong listahan ng mga nanalo:
Provincial DRRM Council                                  Â
1st Province of South Cotabato
2nd Province of Cotabato
3rd Province of Sarangani
4th Province of Sultan Kudarat
City DRRM Council
1st General Santos City-
City DRRM Council-Component City
1st Tacurong City, Sultan Kudarat
2nd Cotabato City
Municipal DRRM Council- 1st – 3rd Class
1st Municipality of Polomolok, South Cotabato
2nd Municipality of Kiamba, Sarangani
Barangay DRRM Committee-Urban Barangay
1st Barangay Poblacion, Tupi South Cotabato
Volunteer Organization
1st – South Cotabato Filipino-Chinese Chamber of Commerce, Inc. Volunteer Fire Brigade, General Santos City
Public Elementary School
1st Salaman Central Elementary School, Lebak Sultan Kudarat
2nd New Isabela Central Elementary School, Tacurong City Sultan Kudarat
3rd Apostol Memorial Central Elementary School, Magpet Cotabato Province
Â
Public High School
1st Dilangalen National High School, Midsayap Cotabato Province
2nd Bambad National High School, Isulan Sultan Kudarat
3rd Norala National High School, Norala South Cotabato
Early Learning Center
1st Malinawun Daycare Center Lun Padidu, Malapatan Sarangani
Government Emergency Response Management
1st Alabel Rescue Team
2nd Rescue 727 –General Santos City
3rd Koronadal City Fire and Rescue Team
Ang mga nanalo ay nakatanggap ng cheke nagkakahalaga mula P 15,000.00- P 50,000.00. Labis naman ang kagalakan ang nadarama ng mga nanalo sa nasabing parangal isa na rito si Dr. Bong Dacera ng CDRRM ng Gensan kung saan pinasalamatan ang ahensyang namuno sa parangal at inihayag nito ang Gawad Kalasag ay isang monitoring tool na mayroong sinusunod na minimum standards na itinalaga ng DRRM.
Ikinagalak rin ng Hall of Famer ng Urban Barangay Awardee na Barangay Poblacion Tupi South Cotabos sa pangunguna ni Hon. Joselito Yabut barangay kagawad ng nabanggit na lugar, ipinagmalaki nito kanilang emergency bell tower na siyang nagrerepresenta sa kanilang pagiging Hall of famer, mga karangalang nakamit ng kanilang barangay at mga proyektong naipatupad sa tulong ng ahensya at local na pamahalaan.
Hinimok ng opisyal ang lahat ng mga lumahok sa bawat kategorya na ipagpatuloy ang kanilang ginagawang paghahanda at pagpapalawig ng kaalaman sa disaster preparedness na hindi pa alam kung ano ang dapat gawin kung may sakuna ang darating.
Ang Gawad Kalasag o (KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan) ay ibinigay sa mga indibidwal, non-government organization, pribadong sektor at mga organisasyon ng gobyerno, bilang pagkilala sa kanilang inisyatibo sa pagtulong sa Filipino government na maitaas pa ang pamantayan ng disaster management sa bansa.