Tuesday, May 7, 2024

General Santos: Senior Citizens Body: Vaccine Rollout Sa Elders, Palawakin Pa

- Advertisement -

General Santos City – Muling nanawagan ang National Commission on Senior Citizens (NCSC) sa mga senior citizen na samantalahin na ang pagkakataon na libreng mabakunahan kontra coronavirus disease.

Sinabi ni NCSC Commissioner Edwin Espejo na nakakabahala ang datus ng Department of Health na malaking bilang pa rin ng mga nasa elderly sectors ang hindi pa nakakatanggap ng kahit isang dose ng Covid-19 vaccine.

“Nabalaka gihapon kami nga adunay dakong ihap sa mga senior citizen ang wala pa gihapon pabakuna. In fact, more than 85 percent nga na-admit as Covid patients na mga senior citizen, ang wala mabakunahan,” ang bahagi ng pahayag ng opisyal.

May ilan din aniya’ng senior na handang magpabakuna pero kulang ang kaalaman kung saan lalapit para magpareserba ng slot, bukod pa sa mahina na ang ilan sa kanila.

“Kung dili maka-adto sa mga vaccination centers, ang city government, ang city health office at DOH will go the extent nga adtuan sila para mabakunahan sila.”

Naniniwala naman si Espejo na hindi nagkukulang ang gobyerno sa kampaniya nito at paalala kaugnay sa kahalagahan ng bakuna laban sa pandemiya.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img