Monday, October 7, 2024

General Santos: Payroll Request Sa ‘Cash Gift’ Ni Titser, Wala Pa Sa Accounting

- Advertisement -

General Santos City – Hindi pa umano naisusubmite ng Office of the City Mayor ang mga kakailanganing dokumento sa hinihinging budget para sa ₱ 2,500 cash gift nang mahigit 5,000 teaching at non-teaching personnel ng Department of Education.

Visit RPN DXDX General Santos

Sa regular session ng Sangguniang Panlungsod, inihayag ni Accounting Department representative Josephine Dili na eksaktong tatlong linggo na ang nakaraan nang ibalik nila ang payroll request dahil sa nakitang mga “minor findings”, subalit hindi pa umano ito naibabalik muli sa kanila.

Una nang inihayag ni Office of the City Mayor’s executive assistant Philip Pabelic, na kanilang minamadali na ang pagproseso ng mga kakailanganing dokumento para sa agarang paglalabas ng naturang cash gift na mahigit 10 buwan nang natengga.

Paglilinaw ni Pabelic, nagkaroon ng delay sa pagproseso ng budget request matapos na maka-ilang beses na-quarantine ang kaniyang mga tauhan.

Hindi naman tinanggap ni City Councilors Richard Atendido at Franklin Gacal ang nabanggit na kadahilanan ni Pabelic.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -