Friday, May 17, 2024

General Santos: LGBTQs Umalma Sa ‘Gender-Related Slurs’ Ng Local Na Politiko

- Advertisement -

General Santos City – Umalma ang grupo ng mga lesbian, gay, bisexual, transgender and queer o LGBTQ sa lungsod sa anila’y “derogatory gender slur” na pamahayag ng isang konsehal sa nakaraang regular session ng Sangguniang Panlungsod.

Pinuna ni SHINE Soccsksargen executive director, Crisanto Lopera ang naging pahayag ni City Councilor Vivencio “Bing” Dinopol patungkol sa kasamahang konsehal na si Atty. Dominador “Jun” Lagare, Jr.

Nag-ugat ang mainitang interpolasyon ng dalawa matapos punain ni Dinopol ang panawagan ni Lagare na kailangang mag-resign ang una sa hinahawakan nitong committee on finance.

Ayon kay Lopera, nakakabahala na manggagaling mismo sa isang konsehal ang mga pahayag na nagdudulot nang diskrimasyon laban sa mga kababaihan at ang mga nasa LGBTQ community.

“As if being effeminate or being woman per se is something to be ashamed and discouraged,” ang bahagi ng pahayag ni Lopera.

Nais ng SHINE Soccksargen na ipatawag ng SP Committee on Ethics at Committee on Human Rights ang atensyon ni Dinopol.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -