33.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

General Santos: Fund Raising sa Hero Dog na si “PRINCESS” Inilunsad.

- Advertisement -

General Santos City – Nananawagan ng tulong at suporta ang animal welfare group na A Heart for Paws Gensan para sa patuloy na medikasyon ni “Princess” ang asong itinuturing na bayani matapos masagip ang isang batang babae mula sa nasusunog na bahay sa General Santos City.

Sa Facebook post ng grupo, sinabing nagtamo nang matinding paso sa katawan nito ang aso dahil sa insidente. Unang nag-viral ang kabayanihan ng 4-month old Belgian Malinois noong April 21 ng masagip nito ang anak ng kaniyang amo mula sa nasusunog na bahay sa Purok Oblipas, Jurassic, Barangay Calumpang.

Ayon sa A Heart for Paws Gensan Inc., hindi umano napansin ng mga magulang na naiwan pa sa loob ng kanilang nasusunog na bahay ang natutulog na anak.

Pero dahil umano sa panay na pagtahol ni Princess na tila may sinasabi ito, doon na umano napansin ng mga magulang na hindi pa nakakalabas ang kanilang anak, dahilan para bumalik ang mga ito ay tuluyang nailigtas ang bata.

Kasama pa umano si Princess na bumalik sa nasusunog na bahay dahilan para magtamo ito ng lapnos at paso sa katawan. Si Princess, na noon ay nakawala na sa kanyang kulungan, ang nag signal at nagbigay ng babala sa kanyang owner, na may naiwan pang isang bata tulog na tulog sa nasusunog na bahay. Dali daling isinalba ang anak pero di namalayan ng owner sumama si Princess sa kanya, na syang dahilan at nasunog din ang maraming bahagi ng katawan ng kawawang aso, ayon sa FB post ng grupo.

Source : A Heart for Paws Gensan Inc.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -