Radio Philippines Network
DXDX GenSan News Provincial News

General Santos City Health Office, Magsasagawa ng Mass Vaccination Kontra Polio

Nakatakdang magsagawa ng mass vaccination kontra polio ang City Health Office ng GenSan katuwang ang mga volunteer organizations sa syudad.

Ayon kay Dr. April Mae Maquilang, Senior Officer IV ng CHO GenSan, layon ng programang Sabayang Patak Kontra  Polio na ikampanya ang kaalaman tungkol sa polio particular na sa mga sintomas, sanhi, at epekto nito sa tao, kasama na ang pagbabakuna sa mga batang 5-taong gulang pababa.

Paglilinaw ni Maquilang na sa ikalawang quarter ngayong taon ay bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna kontra polio dahil sa takot ng mamamayan sa dengue vaccine.

Liban sa datus na nabanggit, mas naalarma ang CHO GenSan dahil sa 4 na kompirmadong kaso ng polio sa buong bansa ay ikatlo ang nasa Maguindanao habang ang huli ay naitala sa Sultan Kudarat na parehong nasa Mindanao.

Isasagawa ang Sabayang Patak Kontra  Polio sa Nobyembre 25 hanggng Desyembre 7, 2019, habang ang ikalawa ay sa Enero 26 hanggang Pebrero 18, 2020.

Related posts

Mga Taga-Brgy. Villariza, Malimono Na Waya Malakip Sa 4Ps Sanan Sap, May Bugas Tagsa Ka Sako!

RPN

City Sets Protocol Standards For Buses At Davao City Overland Transport Terminal

RPN

MUNICIPAL HALL SA SUGBONGCOGON, MIS OR NAUDGAW

RPN News

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More