General Santos: City Cops, Naglatag Na Ang Seguridad Sa Undas, Long Weekend

0
229

General Santos City – Nakalatag na ang security plan ng General Santos City Police Office ngayong long weekend kasabay sa paggunita ng Undas.

Sinabi ni GSCPO spokesperson Lt. Clarizel Perez, na maliban sa mga sementeryo ay nagdeploy na rin sila ng security at enforcement teams sa mga shopping malls at iba pang public areas dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao.

“Sa karon ang GSCPO nag-start na ta sa deployment sa different cemeteries. Naa lang gihapon ta nga mga kapulusan nga magbantay og maglibot sa mga areas,” ayon sa opisyal.

Pinayuhan naman ng opisyal ang publiko na huwag iwanan na walang tao ang bahay sa tuwing dadalaw sa mga sementeryo, pero kung hindi maiwasan ay dapat na naka-kandado nang maayos ang para di malusutan ng mga magnanakaw.

“Kung pupwede, inform nila ang kanilang kapitbahay. Seguridahon nato nga close and secure ang atong mga balay.”

Batay sa ammended Executive Order No. 47-A, ipinag-utos ni City Mayor Ronnel Rivera ang pagpapasara ng lahat ng mga sementeryo simula October 29 hanggang November 2, sa gitna nang patuloy na banta ng Covid-19.

Leave a Reply