33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

General Santos Bound Bus, Lumiyab Sa Maguindanao Highway

- Advertisement -

Datu Odin Sinsuat, Maguindanao – Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi nang pagliyab ng isang pampasaherong bus nitong Lunes hapon, sa bahagi ng Barangay Kurintem sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Ayon kay municipal police station chief, Lt. Colonel Rommel Dela Vega, lulan ng Husky bus ang may 20 pasahero at patungo ng General Santos City nang mangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon.

Mabilis namang nakababa ang lahat ng pasahero at driver ng bus bago tuluyang nilamon ng apoy ang sasakyan.

Batay sa pahayag ng ilahang testigo, may naamoy umano silang nasusunog na plastic material sa likurang bahagi ng bus bago nagkaroon ng usok at apoy.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -