Sunday, May 5, 2024

Gastos sa Marawi rehabilitation nais ipasilip sa Kamara

- Advertisement -

Ipasisilip ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin sa Kamara ang gastos ng gobyerno sa rehabilitasyon sa lungsod ng Marawi matapos itong sakupin ng teroristang Maute group.

Ayon kay Villarin, sa oras na hilinging muli ng militar ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao ay dapat ding matukoy kung saan inilaan ang P2 billion na gastos sa rehabilitasyon ng lungsod.

Mahalaga aniyang matalakay ang usaping ito sa pagkonsidera ng mungkahing palawigin ang martial law extension.

Binigyan diin rin ni Villarin na dapat malaman ng publiko kung saan ginastos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Department of National Defense (DND) ang pondo nito sa pagpapatupad ng martial law.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img