Monday, May 6, 2024

Garin kinasuhan si Ubial kaugnay sa Dengvaxia

- Advertisement -

Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ni dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin ang kanyang naging kapalit sa DOH na si dating Secretary Paulyn Ubial.

Kaugnay ito sa pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Garin, dahil sa pasiya nitong gawing community based ang dengue immunization program ng ahensiya mula sa school based, hindi na nasunod ang protocol na pagkuha muna ng written consent bago bakunahan ang mga bata.

Iginiit ni Garin, labag sa karaniwang global recommendation ang naging pasiya ni Ubial na nagresulta sa mahinang screening at monitoring para sa mga naturukan ng Dengvaxia.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img