Gamot kontra leptospirosis sa Dagupan nagkaka-ubusan na

0
63

Nangangamba na ang Dagupan City Health Office sa Pangasinan dahil sa unti-unting pagka-ubos ng supply ng gamot kontra sa leptospirosis o doxycycline.

Karamihan sa mga barangay sa lungsod ang matinding nalubog sa baha bunsod ng mahigit isang linggong pag-ulan dulot ng habagat at magkakasunod na bagyo.

Ayon kay Dr. Ophel Rivera ng Dagupan City Health Office, dahil dito ay limitado na lamang ang supply ng gamot kontra leptospirosis.

Magugunitang isinailalim sa state of calamity ang buong lalawigan dahil sa pagbaha kung saan mahigit 10,500 pamilya o tinatayang 43,000 indibiduwal na apektado ng kalamidad.

—-