Nakatakda ng maupo bilang bagong Presidential Adviser on the Peace Process si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Carlito Galvez, sa susunod na linggo.
Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa change of command ceremony ni incoming AFP Chief of Staff Lieutenant Gen. Benjamin Madrigal sa Camp Aguinaldo.
JUST IN: Ex-AFP Chief Carlito Galvez, uupo bilang bagong Kalihim ng OPPAP o Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ayon mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte | @dwiz882 pic.twitter.com/xUK6bufm3H
— ♕Jaymark Dagala♕ (@jaymarkdagala) December 11, 2018
Papalitan ni Galvez si dating Presidential Adviser Sec. Jesus Dureza na nagbitiw sa puwesto matapos masangkot ng kaniyang dalawang tauhan sa korapsiyon.
Ayon sa pangulo, si Galvez ang ika-siyam na military man na magiging miyembro ng kaniyang gabinete.
Kasabay nito, inatasan naman ni Pangulong Duterte ang bagong AFP chief of staff na si Benjamin Madrigal na gumawa ng polisiya na magbibigay ng positibong pagbabago sa bansa.