Full alert itinaas sa Samar – PNP

0
60

Naka-full alert status na ang Philippine National Police (PNP) sa Samar habang naka-heightened alert naman sila sa Leyte.

Ito ay matapos yanigin ng magnitude 6.5 na lindol ang Eastern Samar kahapon.

Ayon kay Police Regional Office-8 (PRO-8) Spokesperson Lt. Col. Maria Bella Rentuaya, patuloy silang nakaantabay sa mga ulat ng sitwasyon mula sa iba’t ibang police stations sa rehiyon.

Aniya, may mga ulat natanggap silang ulat ng power outages sa ilang mga lugar gayundin ng mga tulay na nagtamo ng mga bitak pero nananatili pa ring passable.

Ang lindol sa Samar ay isang araw lang makalipas ang 6.1 magnitude earthquake na puminsala naman sa region 3.