Founder ng Kapa Ministry nananatiling aktibo sa social media

0
53

Aktibo pa rin sa social media ang founder ng Kapa Community Ministry International Incorporated Founder Joel Apolinario.

Ito ay sa kabila ng manhunt na isinasagawa ng NBI o National Bureau of Investigation laban kay Apolinario.

Nag post ng video si Apolinario sa June 21 kung saan hinikayat niya ang kanyang mga miyembro para i-pressure ang gobyerno na tanggalin ang closure order laban sa Kapa.

Sa naturang video ay inamin ni Apolinario na nagtatago siya dahil sa banta sa kanyang buhay.

Bago ito ay nagpost pa ng larawan si Apolinario habang kumakain ng salvaro o cassava chips at isa pang larawan kung ipinakita na natutulog siya sa isang karton na nakakuha naman ng simpatya ng mga supporters nito.

Una nang ipinag utos ng pangulo ang pagpapasara sa Kapa at pagpapaaresto kay Apolinario dahil umano sa panloloko sa paghingi ng donasyon sa miyembro na bibigyan naman ng malaking tubo.