29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Foreign Trade Secretary ng Brazil nagpositibo Sa COVID-19

- Advertisement -

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Foreign Trade Secretary ng Brazil na si Marcos Troyjo.

Pinangunahan ni Troyjo ang delegasyon ng brazil sa washington na nakipagpulong kay US President Donald Trump, siyam na araw na ang nakakaraan.

Sa ipinalabas na pahayag ng tanggapan ni Troyjo, kasalukuyan aniya itong mahigpit na naka-isolate habang nagtatrbaho sa kanyang tahanan.

Wala rin umanong sintomas si Troyjo.

Una nang sinabi ng doktor ni Trump na nagnegatibo sa COVID-19 ang US President nang sumailalim ito sa pagsusuri.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -