Football player na si Phil Younghusband magre-retiro na

Football player na si Phil Younghusband magre-retiro na

by Powered by DWIZ
20 views

Magre-retiro na si Filipino football player Phil Younghusband.

Inanunsyo ni Younghusband gamit ang kaniyang instagram account ang kaniyang retirement sa pamamagitan ng pag post ng cartoon sketch.

Inilagay ng 32 anyos na Filipino-British striker sa caption ng karawan ang mga katagang “hanging up my boots”.

Ipinaabot din ni Younghusband sa nasabing post ang pasasalamat sa kaniyang mga boss, coach, team mates, competitors at maging sa mga tagahanga na naging bahagi ng kaniyang football career.

Umabot ng 13 taon ang international career ni Younghusband sa football kung saan nakilala siya sa top goal scorer na may 52 goals.

0 comment

Related Posts