30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Foiled Jail Break Of Alleged CTG Members Which Resulted To Shooting Incident

- Advertisement -

Isang grupo ng Persons Deprived of Liberty ng Liangga District Jail ang napigilang makatakas matapos mang-agaw ng baril at manghostage ang mga ito dakong alas-6:50 kahapong umaga, Setyembre 26.

Ayon sa inisyal na report, naghahanda na upang maghain ng almusal ang mga duty personnel ng sunggaban ng labingisang PDL ang isa sa mga duty na noon ay magbubukas sana ng gate ng selda para ipasok ang kanilang pagkain.

“Na-overpower nila yung duty na nagbubukas ng gate ng selda at nagawa nilang makalapit sa secondary gate. Yung duty natin sa secondary gate ay nagawa pang magwarning shot subalit dahil na rin sa bilis ng mga pangyayari at dami ng sumugod sa kaniya, maging siya ay naoverpower din at naagaw ang baril nito,” ayon kay Jail Chief Inspector Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP.

Agad namang rumesponde ang iba pang duty personnel na nagresulta sa palitan ng putok. Apat sa mga PDL ang nasawi habang isang personnel naman ang sugatan matapos itong nasaksak gamit ang isang improvised bladed weapon ng makipambuno ito sa grupo ng PDL na papatakas.

Ang mga nasawing PDL ay hinihinalang miyembro ng communist terrorist group na New Peoples Army na nagawang makumbinsi ang iba pa upang isagawa ang nasabing pagtakas.

Tumagal lamang ng walong minuto ang insidente.

Samantala, kaagad namang ipinag-utos ni BJMP Chief Jail Director Allan Iral ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon tungkol sa insidente.

Kasalukuyan ng naka-red alert ngayon ang buong BJMP CARAGA.

“Nalulungkot man kami sa pangyayari, magsilbi sana itong babala sa ating mga PDL na nais gumawa ng panibagong paglabag sa batas,” ani ni Chief Inspector Solda.

“Ganunpaman, hindi kami matitinag sa pagtupad ng aming tungkulin. Magbabantay pa rin kami ng mabuti sa aming pasilidad at magsisilbi kami sa ating mga PDL sa abot ng aming makakaya upang matulungan natin sila sa kanilang pagbabagong buhay,” dagdag pa nito. (RPN DXKS Surigao via Jennifer B. Peña at JCinsp Xavier A. Solda, BJMP Spokesperson)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -