Filoil Preseason Cup kanselado dahil sa COVID-19 outbreak

0
26

Pansamantala munang kinansela ang 14th Season ng Fil-Oil Flying V Preseason Cup dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa opisyal na pahayag na inilabas ng organizers ng nasabing palaro, sinabi nitong ipagpapaliban muna ang naturang kompetesyon dahil sa banta ng COVID-19 at upang matiyak din ang kapakanan ng mga manlalaro.

Anila, itutuloy na lamang ang nasabing laro sa oras na bumalik na sa normal ang sitwasyon.

Nakatakda sanang magsimula bukas, Mayo 11 ang nasabing tournament kung saan maghaharap harap ang iba’t-ibang collegiate basketball teams.