FilAm Jalen Green, malayo ang mararating — Pacers Coach

0
29

Hindi pa man nakakaarangkada sa NBA G-League dahil sa coronavirus pandemic, napapansin na umano ng ilang coaches ang husay at galing ni Filipino-American Jalen Green.

Ayon kay Indiana Pacers assistant coach Bill Bayno, mentor ng Talk ‘N Text noong 2002, tiyak na malayo ang mararating at magiging maliwanag ang kinabukasan ng batang manlalaro.

Magugunitang mas piniling pasukin ni Green ang NBA G-League sa halip na sumabak sa collegiate basketball.

Sa isang online coaching seminar, sinabi ni Bayno na nararamdaman niyang makakalusot si Green sa Top 10 pick sakaling magpasya na itong pumasok sa NBA.

Sinasabing ang ama ni Green ay isang Amerikano habang taga-Ilocos Sur naman ang kanyang ina.