FDA nagbabala sa mga hindi rehistradong ‘healing oils’

0
21

Nagbabala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at paggamit ng mga El Shaddai healing ointments.

Ayon sa FDA, ang mga produktong El Shaddai Menthol Healing Oil at El Shaddai Sampaguita Oil ay walang kaukulang certificate of product registration.

Dahil dito, sinabi ng FDA na hindi magagarantiya ng ahensiya ang kalidad at kaligtasan ng naturang mga produkto.

Batay sa FDA act of 2009, ang pagma-manufacture, pagbebenta, importasyon , exportation at paggamit ng mga health products na hindi dumaan sa kaukulang otorisasyon sa FDA ay mahigpit na ipinagbabawal.