COVID-19 ipinakita ang problema sa health care system ng Pilipinas — Duque

    0
    36

    Ipinakita ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)  pandemic ang problema sa health care system ng Pilipinas.

    Ito ang binigyang diin ni Health Sec. Francisco Duque III kung saan sinabi nitong maituturing na eye-opener ang kinahaharap na matinding krisis pangkalusugan ng Pilipinas.

    Sinabi ni Duque, ito ay dahil ipinakita ng COVID-19 ang kahinaan at kakulangan sa sistemang pangkalusugan ng Pilipinas.

    Aniya, noong naitala kasi ang kaso ng COVID-19 ay nahirapan ang pamahalaan na rumesponde sa patuloy na pagtaas ng kaso nito.

    Gayunman, sinabi naman ng kalihim na dahil aniya sa COVID-19 ay napilitan ang pamahalaan na pagandahin pa ang health care system sa Pilipinas.