Faeldon absent sa ikatlong senate hearing ng GCTA law

0
28

Hindi na sumipot sa pagdinig ng senado ang sinibak na pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Nicanor Faeldon.

Kaugnay ito sa ikatlong araw nang pagdinig ng senado sa usapin ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Magugunitang sinibak na kagabi ng Pangulong Rodrigo Duterte si Faeldon matapos ang nabunyag na posibleng pagpapalaya kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon, sa simula pa lamang ng pagdinig ay nanawagan na silang magbitiw sa puwesto si Faeldon.

Naging mabilis aniya ang pagtugon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga panawagang sipain na sa puwesto ang BuCor chief.