Dapat na ilibre sa buwis ang mga face masks, sanitizers, dis-infectants, at iba pang mga produkto.
Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo, dapat na gawing exempted sa pagbabayad ng import duties, at iba pang buwis ng kongreso ang mga nabanggit na produkto.
Ito aniya ay upang maiwasan ang pagkakaubusan ng suplay, at over pricing sa panahon ng krisis.
Dagdag pa nito, kailangan kasing bumaha ang mga health products sa merkado lalo na’t ito ang mga pangunahing kailangan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.