Face masks at alcohol na nakumpiska ng PNP hindi mapapakinabangan ng publiko

0
23

Hindi magagamit ng publiko ang mga nakumpiska ng  Philippine National Police (PNP) na mga face masks, alcohol at hand sanitizer.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, gagamitin muna anila ito bilang ebidensya sa hukuman laban sa mga akusado.

Hihintayin nalang aniya ng pnp ang magiging desisyon ng mga hukom.

Samantala, iginiit naman ni banac na magpapatuloy parin ang pambansang pulisya na arestuhin ang mga negosyanteng nagsasamantala sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.