29.5 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Extended ECQ aprubado na ni Duterte

- Advertisement -

Epektibo na ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon, hanggang sa Abril 30.

Ito mismo ayon kay Inter Agency Task Force (IATF) Spokesman at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles.

Ayon kay Nograles, aprubado na ng Pangulo ang naging rekumendasyon ng IATF na palawigin pa ang umiiral na ECQ sa Luzon hanggang 11:59 ng gabi ng Abril 30.

Ayon kay Nograles, ang desisyon na ito ay upang matiyak na hindi na kakalat pa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan binigyang diin ni Nograles na ipatutupad pa rin ng pamahalaan ang mga umiiral na health protocols.

Maalalang una nang sinabi ni Vice President Leni Robredo at ilang mambabatas na pabor silang palawigin pa ang ECQ na nakatakda sanang magtapos sa Abril 14.

Sa ngayon, nasa halos 4,000 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -