28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Expanded maternity leave lusot sa huling pagbasa sa Kamara

- Advertisement -

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 4113 o panukalang batas na nagpapalawig sa maternity leave.

Sa botong 191 yes, zero absention at no vote, nakapasa sa plenaryo ang pagpapalawig ng maternity leave na 100 days mula sa kasalukuyang 60 days lang.

Sakop nang pagpapalawig ng maternity leave ang mga manggagawang nasa pribado at pampublikong sektor at makikinabang dito ang 15 milyong kababaihan.

Binibigyan din ng 60 days na maternity leave ang mga nakunan.

Ang pag avail ng maternity benefits ay voluntary at hindi mandatory.

Binigyang diin ng Gabriela Partylist, pangunahing may akda sa panuala na mahalaga ang mahabang pahinga ng mga bagong panganak hindi lamang para makabawi ng lakas kundi para magkaruon ng sapat na panahong maalagaan at makasama ang bagong silang na anak.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -