31.6 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Executive Committee ng PhilHealth ‘mafia’ ng ahensya —Lacson

- Advertisement -

Kumbinsido si Senator Panfilo Lacson na sapat ang ebidensya at testimonya ng mga testigo na ang Executive Committee ng PhilHealth ang mismong ‘mafia’ ng ahensya.

Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na lumalabas sa kanilang isinasagawang pagdinig sa Senado na ang Executive Committee ng PhilHealth ang nagmamaneobra ng lahat ng pondo ng ahensya maging ang nangyaring overpricing.

Aniya, ang Executive Committee sa central office ng PhilHealth ang naghahanda ng masterlist ng mga ospital na unang makakatanggap ng pondo sa ilalim ng kontrobersyal na Interim Reimbursement Mechanism (IRM) base nadin sa naging testimonya ng ilang PhilHealth regional vice presidents.

Dahil dito, inirekomenda ni Lacson na palakasin ang board ng ahensya at bawasan ng kapangyarihan ang executive committee.

Bukod dito, irerekomenda rin aniya ng Senado na kasuhan si PhilHealth chief Ricardo Morales at iba pang high-ranking officials hinggil sa iregularidad sa ahensya.

Kabilang naman sa mga kasong irerekomenda ng Senado ang malversation, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa National Internal Revenue Code, at perjury.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -