Sunday, May 5, 2024

Ex-senator Jinggoy Estrada, San Juan mayor Francis Zamora nagkainitan

- Advertisement -

Nagkainitan si dating Senador Jinggoy Estrada at San Juan City Mayor Francis Zamora dahil sa ‘rolling store’ ni Janella Estrada.

Ito’y matapos ipasara ni Zamora ang naturang rolling store ng anak ni Jinggoy dahil sa kawalan ng permit at donasyon umano ang mga itinitinda dito.

Giit pa ni Zamora, kinukumpetensya pa umano ng rolling store na ito ang mga lehitimong tindera sa Agora Market.

Ngunit depensa ng dating senador, nais lamang nilang makatulong sa ibang tao kaya naman mas mababa ang presyo ng mga paninda sa rolling store ng kaniyang anak.

Ipinaliwanag din ni Janella na sarado ang city hall nang subukan nilang kumuha ng permit na pinasinungalingan naman ni Zamora dahil mayroon umanong skeletal workforce sa city hall.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img