36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Ex-Sen. Roxas hindi papatulan ang naging birong pahayag ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Hindi papatulan ni dating Senador Mar Roxas ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na ito ang nag-utos na patayin ang dating police aide na si General Vicente Loot.

Ito ayon kay Congressman Edgar Erice, ka partido ni Roxas sa Liberal Party ay dahil hindi naman marahas na tao ang dating senador.

Dahil pasko, sinabi ni Erice na hindi na lamang papansinin ni Roxas ang aniya’y joke o biro ng pangulo base na rin sa naging paglilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Gayunman, ipinabatid ni Erice na umaapela si Roxas na ma-i-level up o maitaas ang talakayan sa kampanya ngayong eleksyon at mas mabuting matutukan ang mga usapin tulad ng ekonomiya ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -